Monday, May 19, 2014

Tag-init

Ma-jinet. Grabe. Sobra. As in. Siguro naman, lahat kayong Filipino na nasa Pilipinas ngayon e nararamdaman ang sungit ng "init" ngayong summer. Pero eto na ata ang pinakamainit na summer na naranasan ko. Dati deadma lang ako kahit lakad na walang payong, ngayon, hindi na-carry ng powers ko. Sobra. 

Nung bata ako, dahil medyo may pagka-maputi ako, inggit na inggit ako sa mga bata na maitim, mga kayumanggi talaga. Malay ko ba naman na mauuso yung mga glutathione at iba pang mga whitening products na yan. So, nagbilad ako ng nagbilad. Walang tigil sa laro kahit sa labas kahit tirik ang araw. Ayun, so medyo negra na ako ngayon. My legs and feet suffered the most. Kasi kita mo yung bakat nung tsinelas sa paa ko. Unsightly siya kaya I seldom use flats or heels. Puro rubber shoes.

Back to the weather, climate change really is really hitting us. Big time. Malalakas na typhoon (Remember Yolanda!) At sobrang tuyot na summer. And to think, kahit hindi tayo ang number 1 contributor ng pollution, affected pa rin tayo. 

Sarap maligo ng may yelo. Grabe ang init. Buti na lang madali matuyo ang mga laundry ko. :)


Saturday, May 17, 2014

Pastillas with LOVE

Summer. Tapos na April, May naman. Enrollment na naman. Bayaran na naman. Lumipas na ang trending ng "Frozen". Natunaw na yata si Olaf sa kakanta ng "In Summer". Pero tuloy pa rin ang buhay sa isang nanay na katulad ko. Naka-enroll na rin yung anak. Buti nakapag-save ako. Nag-start kaya ako ng January, after lahat ng bilihan ng regalo ng December. Pero hindi yan ang ikukuwento ko sa inyo. Ang isa sa mga raket ko. 

Last year, if I remeber right, nauso yang "toasted pastillas" na yan. Search naman ako kay Mr. Google. Wow, sarap ng itsura ng mga yun.. Sabi ng anak ko - "Ma, gusto ko nyan, order ka." Haha. 120+ shipping... hmmm, parang presyo na ng isang pack ng gatas yan anak ah. Anyways, so wala akong makuha ng recipe ng "toasted pastillas" pero, napakadaming recipe ng simpleng pastillas lang. So, eto na. 

Gawa, experiment ng pastillas para kay anak ko. Tantayahan sa measurement. 

Eto resulta.


Yung forming ng shape was the hardest part. So, bilog na lang, parang galapong lang sa ginataan. At dahil toasted di ba kailangan ko, so i-toast natin. Pero mas sunog, mas masarap. Hehe.

1st batch - not very successful
Toasting
Slightly burnt

Akalain mo, nagmukha siyang pandesal sa malayo di ba? Kahit yung kapatid ko sa ibang bansa nung pinadala ko yung pictures e parang masarap daw yung pandesal na gawa ko. Hay naku!

Sabi ng anak ko, it was delicious naman daw. Never mind the appearance, basta it was masarap! Even my mommy said so. Saka pinatimkim ko dun sa mga tindera sa katabing pwesto ng nanay ko sa palengke, masarap daw, magkano daw ba ang benta ko. Ting (bulblight!)! Pwede! Pwede pagkakitaan.

So eto ginawa ko, gawa ako ng ibang shape,  toasted it, and wrap it in a nice packaging (label and all). Yung iba, nilagyan ko ng sprinkles. I called it COOKIE PASTILLAS. Since it looked liked a cookie pero lasang pastillas. Yung buyer ko, can finish it in one sitting. Hehe, masarap daw e. And kahit hindi mo i-refrigerate, hindi siya masisira up to a week.

So here's the final product. Nakailan din naman akong benta, and it was a very promising business pero mahirap i-maintain. By order na lang ang gawa ko and minsan pag sinisipag every weekend, may display ako  niyan sa stall ng nanay ko sa palengke ng Carmona. (Update ko na lang ito, nawala pala sa pc ko yung pic ng naka-packaging na.) Later...
   
Sprinkled with love :)