Marami-rami na rin akong kakilala, kaibigan at mga kamag-anak na OFW, mga immigrant sa ibang bansa. Nami-miss daw nila ang pinas. Pero mas pinili nila na sa ibang bansa magtrabaho o manirahan kasi mahirap daw ang buhay sa bansa natin. They need to sacrifice their own happiness by working/living abroad so that the younger ones (their children) can get a better life than them. Gaano nga ba kahirap ang buhay sa Pilipinas at napakdami ng naalis? Ang tatay ko, naniniwala na kaya mong mabuhay ng matiwasay sa bansa natin basta matyaga ka. Kasi sabi nya, siya rin daw galing sa wala. Pinag-aral din nya yung sarili nya at hindi umasa sa magulang nya, pero kahit papaano may naipundar sya bukod sa napaaral nya kaming magka-kapatid.
I personally can see my father's reason. It all depends on one's wants and needs. One needed only the basics, but wants so much more. Basics - food, shelter, education, konting savings for health. Others are "wants", not basically needs. But nobody can blame anybody for wanting more. For having a little of something, for working so hard all your life. Pero sabi nga ng tatay ko, kung basic lang..kayang-kaya.
So, ano nga bang meron sa Pinas na wala sa ibang bansa? Para ma-miss mo ng sobra ang Pinas? Na kahit anong sarap ng buhay sa ibang bansa ay mas gugustuhin mo na bumalik.
1. Family - Sino bang gusto na malayo sa pamilya niya? Wala. Kasi sa kultura ng mga Pilipino, mahalaga ang pamilya. Mawala na lahat, wag lang pamilya mo. Dahil may maga oras na kahit meron ka ng lahat ng bagay at pera sa mundo, kung hindi mo naman ito maise-sahre sa pamilya mo, bale wala.
2. Init - Sobra ang init dito, dati kaya mong tiisin ang summer heat. Ngayon, wish ko na pwede. Kahit tag-ulan na, rainy season na o kaya e, -ber months na, grabe pa rin ang init. Kaya bago lumabas ng bahay, you need to protect your skin, kasehoda na payong o hat, pero sunblock, pinaka importante. Pero syempre, yung init ng pagmamahal ng isang Pinoy!

3. Extra rice / Unli-rice - Sobrang hilig sa kanin ng mga Pinoy, kahit nakakataba. (Waiter, isa pa ngang rice dyan!)
4. Palengke - Walang palengke na kasingbaho at kasing dumi ng tulad sa Pinas (feeling ko lang). Kahit pa yatang sabihin na 1st class municipality o 3rd class municipality e kasama na yung ganyang klase ng palengke sa atin.Pero masarap mamili at makipagtawaran kay suki.
5. Pagkain - Oo, masarap din ang pagkain sa ibang bansa. pero mas masarap pa rin ang lutong Pinoy (para sa akin!). Sa karinderya man yan, o sa isang restaurant o kahit simpleng luto ng nanay mo, masarap talaga kumain ang Pinoy. Kahit nga kamatis at bagoong lang ang ulam e, swak na!
6. Beaches - Need I say more? Beaches are the best here in the Philippines. Kahit worst ang airport natin (hayzzz), ayos lang.
7. Maynila, Cebu, Davao, etc. - Sino bang ayaw umuwi sa bayan na kinalakihan mo?
So, sa inyong mga OFW, uwi-uwi rin pag may time. Ipon-ipon din nga pamasahe pag may time. Kasi miss na kayo ng mga kababayan nyo. ('Wag nyo na lang pansinin pulitika dito, para hindi masayang ang happiness nyo. Hehehe.)