Summer. Tapos na April, May naman. Enrollment na naman. Bayaran na naman. Lumipas na ang trending ng "Frozen". Natunaw na yata si Olaf sa kakanta ng "In Summer". Pero tuloy pa rin ang buhay sa isang nanay na katulad ko. Naka-enroll na rin yung anak. Buti nakapag-save ako. Nag-start kaya ako ng January, after lahat ng bilihan ng regalo ng December. Pero hindi yan ang ikukuwento ko sa inyo. Ang isa sa mga raket ko.
Last year, if I remeber right, nauso yang "toasted pastillas" na yan. Search naman ako kay Mr. Google. Wow, sarap ng itsura ng mga yun.. Sabi ng anak ko - "Ma, gusto ko nyan, order ka." Haha. 120+ shipping... hmmm, parang presyo na ng isang pack ng gatas yan anak ah. Anyways, so wala akong makuha ng recipe ng "toasted pastillas" pero, napakadaming recipe ng simpleng pastillas lang. So, eto na.
Gawa, experiment ng pastillas para kay anak ko. Tantayahan sa measurement.
Eto resulta.
Yung forming ng shape was the hardest part. So, bilog na lang, parang galapong lang sa ginataan. At dahil toasted di ba kailangan ko, so i-toast natin. Pero mas sunog, mas masarap. Hehe.
1st batch - not very successful |
Toasting |
Slightly burnt |
Akalain mo, nagmukha siyang pandesal sa malayo di ba? Kahit yung kapatid ko sa ibang bansa nung pinadala ko yung pictures e parang masarap daw yung pandesal na gawa ko. Hay naku!
Sabi ng anak ko, it was delicious naman daw. Never mind the appearance, basta it was masarap! Even my mommy said so. Saka pinatimkim ko dun sa mga tindera sa katabing pwesto ng nanay ko sa palengke, masarap daw, magkano daw ba ang benta ko. Ting (bulblight!)! Pwede! Pwede pagkakitaan.
So eto ginawa ko, gawa ako ng ibang shape, toasted it, and wrap it in a nice packaging (label and all). Yung iba, nilagyan ko ng sprinkles. I called it COOKIE PASTILLAS. Since it looked liked a cookie pero lasang pastillas. Yung buyer ko, can finish it in one sitting. Hehe, masarap daw e. And kahit hindi mo i-refrigerate, hindi siya masisira up to a week.
Sprinkled with love :) |
No comments:
Post a Comment