Ma-jinet. Grabe. Sobra. As in. Siguro naman, lahat kayong Filipino na nasa Pilipinas ngayon e nararamdaman ang sungit ng "init" ngayong summer. Pero eto na ata ang pinakamainit na summer na naranasan ko. Dati deadma lang ako kahit lakad na walang payong, ngayon, hindi na-carry ng powers ko. Sobra.
Nung bata ako, dahil medyo may pagka-maputi ako, inggit na inggit ako sa mga bata na maitim, mga kayumanggi talaga. Malay ko ba naman na mauuso yung mga glutathione at iba pang mga
whitening products na yan. So, nagbilad ako ng nagbilad. Walang tigil sa
laro kahit sa labas kahit tirik ang araw. Ayun, so medyo negra na ako
ngayon. My legs and feet suffered the most. Kasi kita mo yung bakat nung
tsinelas sa paa ko. Unsightly siya kaya I seldom use flats or heels.
Puro rubber shoes.
Back to the weather, climate change really is really hitting us. Big time. Malalakas na typhoon (Remember Yolanda!) At sobrang tuyot na summer. And to think, kahit hindi tayo ang number 1 contributor ng pollution, affected pa rin tayo.
Sarap maligo ng may yelo. Grabe ang init. Buti na lang madali matuyo ang mga laundry ko. :)
No comments:
Post a Comment